Kwento sa bawat Pahinga
Pugpog Bikers Highlands
Cafe
ni: Crissel Elisan
Minsan, kailangan natin ng magandang tanawin para makapagpahinga. Sariwang hangin, magandang tanawin ang kailangang damhin.
Sa aming paglalakbay, nakita ko ang kapehan na ito. Sa pagpasok pa lamang amoy mo na ang kape na alam mong hindi mo matatanggihan.
Mayroon silang komportableng upuan, magandang lighting, aesthetic daw sabi nila.
Sa ganitong lugar maganda kasama ang mahahalaga sa buhay, masarap magkwentuhan sa may kabuluhang bagay. Mayroon silang iba't-ibang inumin na tiyak na magugustuhan ng nakararami.
Dahil sa tabi ng kapehan na ito, matatanaw mo ang magandang tanawin na swak sa pagkakape mo. Madadama mo ang sariwang hangin dito. Sulit sa kwentuhan kahit na magdamagan.
Sa labas naman ganito ang matatanaw mo. Napaka-relaxing hindi ba? Tamang-tama sa pagpapahinga mo galing sa stressful mong araw.
Minsan sa buhay kailangan natin magpahinga, umalis sa mga lugar na alam mong hindi na para sayo maganda. Ilabas mo ang sarili at magkape, dahil kadalasan sa paglalakbay, hindi lang tanawin ang matatagpuan. Kasama na rito ang paghilom at makita muli ang sarili na napabayaan.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento