Intramuros; Napapaderang Lungsod ng Maynila
Intramuros; Napapaderang Lungsod ng Maynila
Francis Angelo N.
Serrano
Marahil isa sa pinaka malayong napuntahan ko kasama ang aking pamilya.
Ang Napapaderang Lungsod ng Maynila; Intramuros. Maraming mga magagandang
tanawin ang makikita dito. Parang bumalik kami sa nakaraan dahil sa itsura ng
mga gusaling nakita namin.
Maging ang papunta sa Intramuros ay isa nang paglalakbay.
Sumakay kaming LRT 1 papuntang Intramuros. Marami akong nakitang magaganda at
naglalakihang gusali sa bintana ng tren.
Pagdating naming sa Intramuros kagulatgulat na marami
paring mga halaman sa gitna ng isang malaking siyudad. Madami rin kami nakitang
mga tao na naglalakad lakad din dito.
Aparka raming magagandang gusali na makikita rito. Napadaan
kami sa Manila Cathedral o Basilica Menor y Catedral Metropolitana de la
Inmaculada Conception. Ramdam na randam ang tanda at ang kasaysayan na
dinaanan ng lumang lumang simbahan na ito.
Isa pang nakakatuwang tanawin sa Intramuros ay ang mga
bagay na nagpapakita ng istorya neto bilang isang fortified city.
MAhilig ako magbasa basa ng kasaysayan kaya nakakatuwa ng makakita sa personal
ng isang piraso ng kasaysayan na dati’y binabasa ko lang
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento