Tara na sa Bale Aslagan!
lakbaysanaysay ni: Kathleen Ann Aggarao
Naghahanap ka ba ng isang lugar kung saan pwede kang mag-relax at mag-enjoy kasama ang iyong mga kaibigan at pamilya? Eto na ang tamang lugar para sayo - ang Bale Aslagan! Ang resort na ito, ay isang family-inspired na resort na napaliligiran ng kahanga-hangang berdeng kapaligiran. at magagandang mga tanawin.
Ang Bale aslagan ay matatagpuan sa Mt. arayat, Pampanga.
Itinayo ito bilang isang pribadong bahay-pahingahan ng pamilya, ngunit dahil sa
kanyang kaakit-akit at nakakarelaks na atmospera, nagpasiya ang mga may-ari na
ibahagi ang lokal na yaman na ito sa publiko.
Nagsimula ang aming paglalakbay noong Agosto 2023, kung saan
nagkasundo ang aming buong pamilya na maglakbay patungo sa hilaga upang
pansamantalang kalimutan ang gulo at ingay ng buhay sa lungsod. Dahil wala rin
pasok sa trabaho at paaralan, nagdesisyon kaming maglakbay patungo sa Pampanga,
isang lugar na pumukaw sa aming mga damdamin. Sa aming pagdating, napagtanto namin ang biglang pag-ulan na
nagdala ng di-inaasahang lamig. Mula pa lamang sa unang sulyap, isang
mala-pintareskong tanawin ang bumungad sa aming mga mata, tila isang pintuan
ang bumukas sa amin patungo sa isang kakaibang lugar na akala mo’y wala ka sa
pilipinas. Ngiti at mainit na pagtanggap ang aming nadama mula sa mga taong
bumati sa aming pagdating, at agad kaming tinulungan patungo sa aming napiling
villa.
Pagkaraan ng maikling pahinga, ninais naming masilayan ang
iba't ibang pasyalan sa paligid. Kahit pagod mula sa biyahe, hindi kami
nagpahuli sa pagbisita sa kilalang kapihan sa loob ng resort, ang CAFE T.YS.
Hindi kami binigo nito dahil sa sarap ng inumin at pagkaing kanilang inihanda
para sa amin. Sa mataas na lugar ng kapihan, mas lalo pang nagningning ang
tanawin ng Mt. Arayat, nagdulot ng masusing inspirasyon para sa isang tahimik
na pagmumuni-muni.
Kinabukasan, isang mahinahon na umaga, ginising namin ang aming mga sarili sa pagsikat ng araw. Naglakad-lakad kami, sumisipsip ng sariwang hangin,
at napahimlay sa kagandahan ng kalikasan. Pagbalik sa aming villa, isang
masiglang tanghalian ang naghihintay, niluto ng aming ina, na nagbigay saysay
sa masarap na pagtatapos ng aming kamangha-manghang paglalakbay.
Ang Bale Aslagan, itinuring namin itong isang yugto ng aming buhay na puno ng mga masasayang alaala at nagdulot ng kasiyahan at kagalakan sa puso ng buong pamilya.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento