Simbahan: Tahanan ng Panginoon

Simbahan: Tahanan ng Panginoon

         ni Jefferson N. Rabuga

  Isang payapang atmospera ang bumungad sa'kin pagpunta ko rito sa "Stonino Parish Church" na matatagpuan rito sa Camalig, Meycauayan. Isang tahimik na lugar na maaaring puntahan ninoman, ito ay isang tahimik na lugar na maaaring puntahan ng mga taong gustong mapag-isa, mag isip-isip at kahit ang mga tao na gusto lang ng lugar kung saan ay tahimik.

  Sa lugar na ito ay makikita naman na na pinapanatili nila ang kalinisan, bukod sa mga dahon ay alikabok lang ang makikita mo sa mga sahig. Sa mga panahong mainit naman ay pwedeng-pwede ka rito, dahil maraming mga puno rito ay sobrang mahangin. Ang naramdaman ko talaga nung ako tumambay dito ay kapayapaan, matatanggap at mapapasalamat ka nalang bigla dahil sa mga magagandang biyaya na natatanggap natin sa panginoon. Ang simbahan din pala na ito ay napalilibutan ng maraming tindahan; kainan, kapihan, at meron ring mga nagtitinda ng mga bulaklak at kandila na maaari mong gamitin sa simbahan. Ang kilala namang kainan na katabi nito ay hindi lang isa kundi dalawa, ito ay ang Jollybee at Mang Inasal. Kung ikaw naman ay nauuhaw, meron ditong coffee sa na tinatawag na "Kofee Manila", masarap ang mga inumin rito at maganda rin ang vibes na binibigay nito.

  Ang tanging komento ko lang sa huli, lalo na't bilang isang tao na gustong-gusto ng mga payapang lugar ay tunay ngang napakagandang lugar nitong church na ito at perpekto ito para sa mga taong tulad ko. Sa lugar na ito ay mararamdaman mo talaga na napakabuti at napakatalino ng panginoon, tunay ngang tinadhana na ako ay isilang sa lugar na ito at wala na akong ibang masasabi kundi ang aking mga pasasalamat sa ating panginoon.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Kubling Paraiso: Sual, Pangasinan

Lupa ng Kapayapaan: Luneta Park

Iloba Resort: Tabuk city, Kalinga