Familia De Andrea: Magsaya Kasama Ang Pamilya

 Magsaya Kasama Ang Pamilya

ni John Billy Gelilio



Kung saan nga may maganda ay dapat pinupuntahan. Kaya naman tara na sa Familia De Andrea na matatagpuan sa Langka Street, Barangay Libtong, Meycauayan, Bulacan. Ito ay isang resort na mayroong nakapaloob na memoryang hindi mo malilimutan. Ang resort na ito ay tamang-tama para sa mga pamilyang naghahanap ng marerentahan para sa kanilang bonding o hindi naman kaya'y naghahanap ka ng pwedeng lugar kung saan ipagdiriwang ang iyong kaarawan, family reunion, overnight o kasal ay pwedeng-pwede yan sa Familia De Andrea dahil isa itong resort na maaaring rentahan. Kung ang problema mo naman ay matutulugan, dito ay wala ring problema dahil mayroon din silang pinaparentahan na kwarto na pwedeng matulugan.



Hindi lang iisa ang kanilang paliguan, kundi mayroon din naman sa iba't ibang parte ng kanilang resort. Mayroong pambata upang maiwasan ang mga posibleng aksidente, at ang para naman sa matanda ay ang may taas na anim na talampakan. Bawat paliguan ay mayroong beach bench upang madama mo ang pakiramdam ng na sa dagat kahit na sa resort ka lang.


Sa resort na ito, makikita mo rin ang kamukhang popular na bahay na tinatawag na bahay ni Tita Lola sa pelikulang The How's of Us ni Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Sa unang tingin ay aakalain mong hindi ito kamukha pero kapag tiningnan sa malapitan ay talagang masasabi mo na parang ito ang bahay ni Tita Lola na mayroong memoryang hindi malilimutan.





Marami ring maaring pagkuhanan ng mga litrato rito, dahil marami kang makikitang magagandang lugar na kung saan ay baka iyong magustuhan. At syempre para sa remembrance kasama ang iyong pamilya, maganda at perpekto ang lugar na ito sa pagkuha ng litrato dahil bukod sa malawak, ito ay masasabing isang magandang lugar. Kaya naman tara na sa Familia De Grandia, isang resort na siguradong magsasaya ka. Presko ay ramdam mo, pakiramdam ay magiging perpekto!






Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Kubling Paraiso: Sual, Pangasinan

Lupa ng Kapayapaan: Luneta Park

Iloba Resort: Tabuk city, Kalinga