Ang masarap na kainan: Gerry's Grill Restaurant

Ang Masarap na Kainan: Gerry's Grill Restaurant

ni Khyle Tristan Paredes

Samahan ninyo ako na tuklasin ang kakaibang sarap ng pagkain sa Gerry's Grill Restaurant



Nagtungo kami sa Gerry's Grill sa SM Mall of Asia. Ang lugar na ito ay nagbibigay buhay sa mga pagkain na puno ng alaala at kasiyahan. Nagbubukaas ang Gerry's Grill Restaurant sa ganap na 10 am ng umaga at masasarado naman ito sa ganap na 10 pm ng gabi. Matatagpuan ang isa sa kanilang mga branch sa 1 J.W Diokno Bldv, Pasay, Metro Manila.





Kakaiba ang ambiance ng restaurant na ito dahil kapag sumilip ka sa labas ay makikita mo ang isang matayog na Ferris Wheel na pinangalanan bilang MOA eye. Komportable ang kanilang mga upuan at lamesa. Mababait ang mga staff ng Gerry's Grill Restaurant. Medyo matagal lamang ang kanilang serving time dahil maraming tao ang kumakain. Ang malamig na air conditioning ay nagbibigay ng kakaibang kaginhawahan habang nilalasap ang kanilang masasarap na pagkain.





Sa bawat pagtakam sa kanilang lutong-bahay na pagkain, nararanasan ko ang pagsasama ng tradisyon at kaharian ng lasa. Isa sa mga pagkain na tila ba hindi mawawala sa aming order ay ang Beef Kare-kare, na puno ng sarap at kakaibang tamis. Ang kanilang Sisig, Inihaw na Pusit, at Crispy Pata ay tila naglalaro sa kakaibang orkestra ng lasa sa bawat kagat.



Umorder kami ng pork sisig, pinakbet, pansit, at kinilaw na baboy. Hindi rin mawawala ang kanilang pinag pangmalakasang garlic rice na nag papasarap sa bawat subo ng kanilang pagkain. Masarap ang kanilang mga pagkain lalo na ang pork sisig, ito ang isa sa mga nagustuhan dahil lasap talaga sa aking bibig ang lambot ng kanilang ginamit na baboy. Lahat naman ng aming inorder ay masarap ngunit nangibabaw lamang sa akin ang pork sisig samahan mo pa ito ng pakbet at pansit. Umorder din kami ng kanilang sinigang na baboy masarap ito hindi ito yung tipikal na sinigang na baboy dahil napakasarap niyo lalo na kapag hinahaluaan mo ito ng kanin. Sobrang lambot ng kanilang ginamit na baboy bagay na bagay ito pamares sa mainit na kanin.



Sa pgagtatapos, ito an isa sa mga karanasan ko na hindi ko malilimutan hindi lamang dahil sa mga masasarap na pagkain na nakain ko kundi ito rin ang panahon na nakasama ko muli ang aking ina sa mahabang panahon na kami ay nagkahiwalay. Sa SM Mall of Asia, natagpuan ko ang hindi lang simpleng kainan kundi isang pook ng kasaysayan ng masarap na pagkain. Isang paglakbay na puno ng lasa at saya.


Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Kubling Paraiso: Sual, Pangasinan

Lupa ng Kapayapaan: Luneta Park

Iloba Resort: Tabuk city, Kalinga