Tagaytay: May Kagandahang Taglay

 



Halina't humanap ng kapayapaan sa mahiwagang bayan.


Sa aming napuntahan ay matatagpuan ang sikat na Bulkang Taal at Taal Lake na siyang matatanaw mo mula sa Tagaytay Ridge na nasa Ridge Park, Tagaytay, Cavite. Mula sa pwestong ito ay matatanaw mo ng perpekto ang hugis ng Bulkang Taal, pati na ang mga asul na ulap na siyang pumapaibabaw rito. Makadarama ka rin ng kaginhawaan dahil sa presko at sariwang simoy ng hangin.


Kung napagod ka naman sa pamamasyal, tiyak na mabubusog ka sa mga kainan na matatagpuan din sa Ridge Park. Isa sa aming napuntahan ang Bags of Beans na siya ring matatagpuan sa Ridge Park. Dahil sa aliwalas ng lugar na sa pagpasok mo pa lang ay maaamoy mo na ang amoy ng kape at iba’t ibang pastries, mayroon din silang breakfast buffet na tiyak na sulit lalo na kapag kasama mo ang iyong pamilya at kaibigan.


     

Bukod sa maganda lugar ay mabubusog rin ang inyong kalamnan sa masasarap na pagkain na may sulit at murang halaga.

Breakfast Buffet



 Ang café and resto na ito ay instagram worthy dahil sa nagagandahang disenyo mula sa mga palamuting nakasabit hanggang sa mga muwebles kaya naman maaari kayong kumuha ng larawan kasama ang iyong mga mahal sa buhay.

Talaga namang hindi nauubos ang magagandang lugar dito sa Tagaytay, mula sa tanawin hanggang sa pagkain ay nanaisin mo talagang bumalik dito. 


  Isa rin sa pinakapaborito kong napuntahan ay ang Skyranch kung saan matatagpuan ang iba’t ibang rides na hindi lang pambata kundi pati na rin sa young at hearts. Isa na rito ang kanilang ferris wheel na may magandang pailaw sa gabi.

  Tunay ngang napakaganda sa Tagaytay, napagod man ako sa pamamasyal ngunit nabusog naman ang aking mga maa sa magagandang tanawin at masasarap na pagkain na natikamn ko ito. Parang nais ko tuloy bumalik!




















Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Kubling Paraiso: Sual, Pangasinan

Lupa ng Kapayapaan: Luneta Park

Iloba Resort: Tabuk city, Kalinga