Iloba Resort: Tabuk city, Kalinga

Sa Piling ng Hamog: Isang Kakaibang Paglalakbay sa Ilboba Resort, Tabuk City , Kalinga.

ni Jhon Paul F. Perreras


  
   Sa malayong baybayin ng Tabuk City, Kalinga, matatagpuan ang isang lihim na paraiso - ang Iloba Resort. Kasabay ng umaga, ito'y nababalot ng makapal na hamog, na nagbibigay karanasan na parang ika’y nasa Baguio City dahil sa tanawing iyong makikita.


Ang unang hakbang sa resort ay nagdadala ng maligayang sorpresa, ito'y parang pag-akyat sa Baguio City kung saan nagtataglay ito ng kanyang sariling kagandahan. 


Ang paglipad ng oras sa Ilboba Resort ay tulad ng paglalakbay sa masining na pintura ng kalikasan. Ang mga swimming pool dito ay nag-aalok ng hindi malilimutang tanawin ng mga kabundukan, na nagiging mas kakaiba dahil sa nakapaligid na hamog. (Sobrang lamig ng tubig dito)
May mga lokal na pagkain din na nagbibigay lasa sa yaman ng Kalinga cuisine. Mula sa masarap na kape, matamis na tsokolate, hanggang sa iba't ibang uri ng native delicacies, tiyak na magiging kumpleto ang iyong gastronomic adventure
Higit pa rito, ang Ilboba Resort ay nagbibigay daan sa mapayapang paglalakbay, isang pag takas mula sa ingay at gulo ng pang-araw-araw na buhay. Ito'y isang kakaibang karanasan ng Baguio City, ngunit sa mas tahimik at pambansang anyo. Sa huli, ang pagbisita ko sa Iloba Resort ay naghatid ng isang kakaibang karanasan na puno ng magandang alaala at saya.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Kubling Paraiso: Sual, Pangasinan

Lupa ng Kapayapaan: Luneta Park