Liwayway: Pacalat River

 Liwayway: Pacalat River

 ni  Jasmine B. Tubilla




Sa malamikmik na agos ng tubig humuhuni ang mga alon kasabay ng pagpagaspas ng pakpak ng mga ibon sa ilalim ng asul na langit


Isang mapayapang ilog sa Mangatarem, isang masalimuot na tanawin ang bumubungad sa mga mata ng bawat dumadayo . Ang malamlam na agos ng tubig ay kumakaway sa munting mga bato na tila nagbibigay-aliw sa mabilis na takbo ng oras.


Hindi pa sumisinag ang araw ay naisipan naming pumunta sa malapit na ilog habang kami ay nag bakasyon sa Pangasinan. Ang ilog pacalat ay kilala sa aming bayan at marami nga ang mga taong dumadayo upang masubukan ang nakakakalmang tampisaw ng tubig at nakakakaantok na hangin.

Dito ko naramdaman ang payapang mundo na kaya kong makamtan kahit pa na ako ay mag-isa lamang. Sa lugar na ito, kahit ako ay walang kausap ay maaari kong kausapin ang tubig at ang mga bato sapagkat ang presensya lamang ng mga likha na ito ay tunay na nakapagdadala ng kahinahunan sa isip ko.




Sa ilog na ito ay mararamdaman mo ang kakaibang pakiramdam na tila dito mo lang malalaman. Maging ako ay namamangha na napupuno ng tuwa ang aking puso kahit sa ganito lamang na tanawin. Totoo nga ang sabi nila na may mga lugar talaga na nakakapagpagaan sa nararamdaman natin at ako, sa palagay ko itong ilog na ito ang nagbigay ng kulay sa buong bakasyon ko sa Pangasinan at hiling ko ay makabalik ritong muli.



Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Kubling Paraiso: Sual, Pangasinan

Lupa ng Kapayapaan: Luneta Park

Iloba Resort: Tabuk city, Kalinga