Sagrado: Grotto of Our Lady of Lourdes
Sagrado: Grotto of Our Lady of Lourdes
ni Dominic Ethan P. Basilio
Isang paglalakbay sa banal na lugar, lugar na kung saan ay mahahanap mo ang katahimikan sa lahat ng ingay sa paligid. Sa pagsapit ng mga normal na araw sa simbahang ito, mapapansing ang mga tagapangalaga ay abala pa rin sa pagtanggap sa mga bisita mula sa iba't-ibang lugar upang masilayan ang natatanging lugar. Sapagkat ang himpilang ito ay isang lugar na kahit anumang oras ay may handang makinig at damayan ang lahat ng iyong dalangin.
At kung abutin man ng gutom sa paglalakbay, hindi dapat ito ikabahala dahil sa palibot lamang ng simbahan ay matatagpuan ang mga puwesto ng mga tindahan na pwedeng kainan at bilihan ng mga pasalubong, hindi naman rin mawawala ang mga souvenir shops na maaaring pamilihan ng mga sagradong santo at iba pang kagamitan na maaari rin na pang-regalo at pang-pasalubong.
Sa ating paglalakbay, sana ay baunin natin lagi ang kasiyahan at respeto sa bawat pook na ating lalakbayin upang ating makamit ang matagumpay na paglalakbay, sa Sagrado.
MAHALAGANG PAALALA: Respetuhin ang lugar, maging tahimik.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento