Sapa 2: Rosario, Cavite
Sapa 2: Rosario Cavite
ni: Francis Kit Sabado
Sa isang baybayin na dinig ang simoy ng hangin, alingawngaw ng alon na humahampas sa dalampasigan, isang sulayman ng puti at pinong mga buhangin; kagandahan ng ating likas na yaman ang susulyapan, sa lugar ng Barangay Sapa, sa Rosario Cavite ay matitikman ang matamis na simoy ng hangin. Malumanay na haplos ng sinag ng araw ay maaari ring maranasan, tila ipinaparating sa atin na ito ay isang regalo lamang ng kalikasan kung atin itong aalagaan. Narito ang aking nais na kwento tungkol sa pag-tula ng mga alon, sandamakmak na alaala ang naipon nang magtungo sa isang beach. Isang kahanga-hanga at kaakit-akit na tanawin ang makikita kung mananatili ka't hihintayin ang pag-lubog ng araw sa Sapa Beach sa Rosario Cavite.
Sa Kandungan ng Plaza ay makikita ang kaharian ng ilaw sa simbahan, at sa paligid nito, nagsasayaw ang mga anino ng mga puno sa ritmo ng malambing na hangin.
Sa pagpapaalam sa Barangay ng Sapa sa Rosario Cavite, iniwan ko ang baybayin na may pusong nagpapasalamat sa kanyang yaman at ganda. Ang kakaibang simbahan sa plaza ay nagbigay sa akin ng kaharian ng liwanag at espiritwal na kapayapaan. Sa paglisan, ang alon ng karagatan ay parang nagbigay ng mahinang yakap, nagpapaalam ng may pag-asa na babalik ako sa hinaharap upang muling maranasan ang kaharian ng liwanag at mga lihim ng baybayin. Hanggang sa muli, baybayin— Salamat sa hindi malilimutang karanasan at mga alaala.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento