Bumalik sa Pagkabata: Halina't magsaya sa Star City!

Ni: Merai Mekhaela dela Cruz




Pasayahin mo ang batang nagkukubli sa iyong puso. Halina't maglaro!


Ang makikita sa larawan sa itaas ay ang Star City— matatagpuan sa siyudad ng Pasay. Mayroong iba't ibang palaruan sa lugar na ito, perpekto upang magsaya kasama ang ating mga pamilya, kaibigan, at kinakasama. 


Talaga namang kahali-halina ang tanawin sa Star City sapagkat makikita natin sa kaliwa't kanan ang mga palaruang gugustuhing subukan ng kahit na sinuman. Nang ako'y unang tumapak sa Star City, sa edad na labing-isa, hindi ako masyadong nakapaglaro sa mga palaruang nakikita sapagkat napangunahan ako ng takot. Pero ngayon, hindi ko na sinayang ang pagkakataon at talaga namang nilibot ko ang kabuuan ng Star City!




Sa limang rides na aming sinakyan, masasabi kong punò ng kasiyahan ang bawat sigaw ko dulot ng pagkalula sa mga kapanapanabik na rides. Ang unang sinakyan namin ay ang Surf Dance; kasama ang aking pamilya, sabay-sabay kaming napasigaw nang huminto sa taas ang sinasakyan na Surf Dance sa pagaakalang nagkaroon ng malpangksyon. Iyon pala'y trip lamang ito ng operator! Kahit na nakakatakot, masasabi kong nabuhay ang dugo ko sa unang ride na ito. Ang ikalawa naming sinakyan ay ang Star Frisbee kung saan tila tinakasan ako ng kaluluwa ko. Kung tama ang pagkakaalala ko, sa sobrang tindi ng ride na ito'y nakita ko nang nakabaliktad ang siyudad ng Pasay! Wala akong naririnig sa paligid kundi ang sigaw ng mga kapwa ko naka-sakay. Sa tingin ko, pare-parehas kaming nalula. Sumakay din kami sa Vikings kung saan tila humihinto ang puso ko sa tuwing tataas at bababa ang barko. At ang pinaka nagustuhan ng bata kong puso, ang Bumper Cars! Sa larong ito'y nakuha ko ring makipaglaro sa ibang tao dahil lagi nilang akong nababangga.


Vikings/Sea Horse. Bumper Cars

.

Note: Mahirap lamang maglagay ng bags sa locker dahil bukod sa may bayad ito, isang beses mo lang maaaring buksan ang locker mo at iyon ay kung kukunin mo na talaga ito. Hindi mo na ito maaaring ibalik dahil panibagong bayad ulit. 




Hindi lamang palaruan ang meron sa Star City, kundi pati mgagallery! Mayroong mga Dinosaurs kasama ang iba't ibang uri nito, kung saan gumagawa sila ng mga tunog at gumagalaw na tila ba buhay talaga sila. Mayroon ding galaxy gallery kung saan ang kapaligiran ay para bang nasa kalawakan ka. At ang pinaka nagustuhan ko sa lahat, ang pagpapalabas nila ng maikling pelikula na para bang kasalamuha namin ang mga lamang-dagat. 


Ito ang ilan sa mga kuhang bidyo:



At ang pinaka nagustuhan ko sa lahat, ang napakaganda at napakalaking Ferris Wheel! Dalawang beses akong sumakay dito sapagkat gusto kong makita ang tanawin ng dagat habang may sikat pa ng araw, at sa ikalawang pagkakataon na sumakay ako ay ang mga city lights ang nakita ko. Napakaganda ng mga ito! Mainit lamang sa ibang parte ng kahon dahil nakasarado ang bintana pero bawing-bawi naman sa ganda ng tanawin na makikita.




Pagkatapos ng lahat ng kapaguran sa pagsakay sa mga palaruan, pumunta na kami sa kainan/food court kung saan matatagpuan ang iba't ibang tindahan ng mga pagkaing pagpipilian. Gustong-gusto ko sa kanilang food court dahil maraming pagpipilian, at masasarap din ang kanilang tinda! Lalo na ang cheese-flavored fried chicken na aking kinain. 


Bago tuluyang lumabas sa gusali, madadaanan natin ang mga manlalako ng mga stuffed toys na talaga namang napaka-cute! Sa sobrang naengganyo ako sa mga itsura nito, napabili pa ako ng tatlong piraso. :)


Naghahanap ba kayo ng lugar na maghi-heal ng inner child niyo? Sa Star City tayo!


###




Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Kubling Paraiso: Sual, Pangasinan

Lupa ng Kapayapaan: Luneta Park

Iloba Resort: Tabuk city, Kalinga