Tanawin, Kapares ng Kapeng Damdamin: Cafe Beato



Tanawin, Kapares ng Kapeng Damdamin: Cafe Beato

ni Crichel Annie V. Gallega

     Sa isang kakaibang kafe, hindi lang masarap ang kape kundi kasabay nito'y ang kaharap na kagandahan ng kalikasan. Makakasama mo ang bawat tasa ng kape sa paglalakbay sa tanawin ng himpapawid. Tara na at samahan ang init ng kapeng damdamin sa pagsilay ng mga tanawin.



    Sa isang mapayapang araw, dala ang bulong ng hangin na may paminsang lamig, naglakbay ako tungo sa isang kakaibang karanasan. Sa pag-aakalang tahanan lamang ito ng simpleng kape, hindi ko inaasahang mararanasan ko ang kamangha-manghang kapares ng kapeng damdamin.    

    Pagtungtong ko sa Rooftop ng La Beato Hotel, sumalubong sa akin ang pagsiklab ng kulay ng himpapawid mula sa cafe, itinatampok ang masalimuot na ganda ng kalikasan. Bumungad sa akin ang nakakagandang istilo ng lugar na ito, maaliwas, at nakakarelax ng damdamin. Sa unang ngiti ko, naglaho ang pagod ng aking mga mata sa mga tanawin. 

    Tumungo ako sa isang sulok kung saan matatanaw ko ang pintig ng kalikasan habang aking iniinom ang aking kape. Ang lamig na dumarampi sa aking mga labi ay hinahatid ng malamig na hangin na bumabalot sa akin, na parang pagyakap ng kalikasan. 





Ang kapeng ito ay maganda sa paningin, unang higop ay dimo aakalain na siyang magpapagaan ng aking damdamin, katataman ang tamis at pait ng Salted Caramel na ito habang ako'y nakatingin sa di matatawarang bigay ng nakakamanghang tanawin mula sa himpapawid. Simoy ng hangin at bulong ng hangin ang siyang dumaraan sa akin. 




Ang paligid ay diko akalain na siyang chill vibe sapagkat gumamit sila ng mga kulay sa kanilang kagamitan na siyang hindi nakakasilaw sa paningin subalit malamig at nanglalambing. 

At mula sa kapehang ito, matatanaw mo ang paglubog ng araw kasabay ng paghigop ng kapeng hawak mo. Masisilayan mo ang ganda nito. At sa paglisan ng araw, sasalubong sayo ang kalangitang madilim subalit maliwanag pa rin ang paligidsa lugar na ito at mas lalong lumamig ang hangin. 




     Sa bawat pagmumuni-muni, naramdaman ko ang diwa ng kapeng iniinom ko, tila ba nagpapalakas ito ng aking damdamin habang tinatambad sa akin ang kaharian ng mga tanawin. Naging kasama ko ang kakaibang ligaya ng kape at ang kapayapaan ng kalikasan, nagsanib sa isang makabuluhang paglalakbay. 


 


   Sa pagtatapos ng araw, dala ko ang kakaibang karanasang ito, na ang bawat tasa ng kape ay hindi lang nagbibigay-init at lamig sa katawan, kundi nagdadala rin ng bagong perspektiba sa kahulugan ng kapayapaan at kagandahan ng kalikasan.









Narito ang kaunting pasilip para sa napakagandang tanawing aking napuntahan at nais kong ibahagi ang bawat sulok na ito. 












Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Kubling Paraiso: Sual, Pangasinan

Lupa ng Kapayapaan: Luneta Park

Iloba Resort: Tabuk city, Kalinga