Sa Hangin ng Bulkan: Picnic Grove Tagaytay
Sa Hangin ng Bulkan: Picnic Grove Tagaytay
ni Rhealyn Tesiorna
Sa bawat sipol ng hangin sa lugar na aking pinuntahan, tila ang kakaibang sayaw ng dahon at bulaklak ay naglalahad ng sariling kwento ng kagandahan at kapayapaan, isang paglalakbay sa kakaibang mundo ng kalikasan.
Ang simoy ng hangin na nag bibigay saya at kalmadong pagiisip na kahit sino ay gugustuhin maparito't matanaw ang kagandahan ng kalikasan.
Sa pagpunta namin sa lugar na ito kamangha mangha ang tanawin dahil makikita mo ang kagandahan ng bulkan ng taal at ang lamig ng klima ay kakaiba. Ang ibat' ibang mga aktibiday ay makikita mo dito tulad ng "picnic", pagsakay ng kabayo at pagdaan sa tulay. Talagang napaksarap ng karansan na ito maraming bagay ang magbibigay saya sa paglalakbay na ito.
Sa larawang ito makikita ang iba' ibang tanawin na makikita sa lugar at masisilayan din ang napakasaganang mga puno at dahon mula sa kalikasan talagang nakakaantig ng puso at damdamin ang gandang pinapakita sa atin. Maari mo rin maranasan ang magandang pangyayari tulad ng zip line na makikita mula sa taas ang magandang tanawin mula sa baba.
Mahalagang paalala: Kung pupunta sa ganitong lugar sikapin na pantilihin itapon sa tamang basurahan ang kalat upang hindi makasira sa inang kalikasan.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento