MESA: Isang Kakaibang Alon ng Sarap at Komportableng Elegansya

 MESA: Isang Kakaibang Alon ng Sarap at Komportableng Elegansya

ni: Elaiza Guillena



          Sa paglisan mo ng pag-akyat sa ika-apat na palapag ng SM Grand Central, isang makulay at masusing mundo ang bumungad sa'yo — ang Mesa Restaurant. Sa unang tingin pa lang, mapapansin mo na ang ambiance ay hindi lamang isang simpleng kainan kundi mayroon ding aesthetically pleasing na disenyo na nagbibigay ng mainit na pagtanggap sa mga bisita at isang lugar kung saan ang sining ng pagluluto at elegansya ng lugar ay nagtatagpo. Ang unang tingin pa lang ay nagbigay sa akin ng pakiramdam na ito'y isang kakaibang karanasan.










           Ang pagsilay sa mesa namin ay tila isang pagbukas ng pinto sa mundong puno ng mga kakaibang luto. Ang kanilang serbisyong napakamaasikaso, at sa bawat galak ng bawat empleyado, ramdam mo ang pag-aalaga na bumabalot sa buong lugar na nagbibigay sa amin ng kasiyahan sa bawat sandali ng aming pagbisita. Ang aming pag-akyat ay nauwi sa isang pagtambay ng kasiyahan, kung saan ang mga pagkain ay naging sentro ng aming pagsasalu-salo. 


At kung pagkain ang pag-uusapan, ang Mesa Restaurant ay hindi nagpapahuli. Bawat kagat, isang eksplorasyon ng kakaibang kasiyahan. Pinatayong Manok na may pambansang paboritong Pork BBQ, sumabay sa malasa at malambot na Kare-kare beef and tripe. Hindi namin napigilan ang aming sarili sa mga masasarap na dessert tulad ng Crispy Leche Flan, na tila nagbibigay buhay sa aming matamis na pangarap. Ang kaharian ng kasiyahan ay naging buo sa aming mesa. 











Sa bawat kagat, dama ang alindog ng lasa, ang malasakit ng mga kawili-wiling sangkap ay bumabalot sa aming panglimang pandama. Ang aming pandinig ay napuno ng masiglang tawanan mula sa kapaligiran ng masiglang restaurant. Nakakalasap kami ng tamis ng tagumpay sa bawat pag-awit ng mesa ng ating paboritong pagkain. Ang init ng sikmura at pagnanasa sa bawat hinahabol na kagat ay nagbibigay buhay sa aming panlasa. Ang aming mga mata'y nasisilayan ang makulay na paligid, at bawat pagtingin sa pagkain ay tila isang obra ng sining.


           Sa pagtatapos ng aming kasiyahan, ang mga ngiti sa aming mga labi ay naglalarawan ng tagumpay ng paglakbay sa "Mesa Restaurant." Ang masusing pag-aaral sa bawat bahagi ng pagkain ay nagbigay inspirasyon sa aming pangangatawan. Ang serbisyong napakamaasikaso ng mga tauhan ay nagbigay saya sa aming puso. Ang simpleng at aesthetically pleasing na paligid ay nagbigay ng komportableng pakiramdam sa aming pamilya habang nag-eenjoy ng masarap na pagkain. Sa huli, naiwan kaming busog sa masarap na pagkain, puno ng kasiyahan, at may kasamang kahulugan ng "di magsisisi." Ito ay isang paglakbay na hindi malilimutan, isang alaala ng lasa at saya sa bawat kahig ng kutsilyo at tinidor. 

Kaya't isang hamon sa inyong isipan: Samahan kami sa paglalakbay ng lasa at elegansya sa Mesa Restaurant. Isang alon ng sarap at komportableng elegansya na tiyak na magpapabago sa inyong pananaw sa masarap na kainan.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Kubling Paraiso: Sual, Pangasinan

Lupa ng Kapayapaan: Luneta Park

Iloba Resort: Tabuk city, Kalinga