Minsan sa Dingalan

π’Ÿπ’Ύπ“ƒπ‘”π’Άπ“π’Άπ“ƒ π’œπ“Šπ“‡π‘œπ“‡π’Ά

Ni: Priness Ranea Rose R. Gatchalian

    
        Sa bawat paglalakbay, hindi mawawala ang karanasang nagbibigay saysay sa ating mga araw. Tara? Samahan mo kong libutin ang Dingalan.

Mawawala ba ang ganitong litrato sa gala? Syempre hindi!

 Sa aming paglalakbay sa Dingalan, Aurora, agad kaming bumaba sa sasakyan para kunan ang aming unang litrato sa malaking sign ng "I love Dingalan" Hindi mawawala ang ganitong tagpo sa bawat gala. 


    


    Ikalawa sa aming agenda ang pagbisita sa Dingalan Feeder Port, kung saan kami sasakay ng bangka patungo sa isang natatangi at tinatawag na Batanes of the East. Kakaibang pakiramdam ang sumakay sa bangka, nakakakaba ngunit napapawi ito ng alon na tila sinasalubong kami sa pagpunta namin sa isla. 



        Hindi namin inaasahan na ang aming paglalakbay ay maglalaman ng pag-akyat sa bundok. Isang masarap na pagkakataon ito para sa mga taong handang harapin ang hamon ng pag-akyat.




Payo namin:
huwag gayahin ang aming suot dahil hindi ito ang tamang kasuotan para sa ganitong klaseng gawain. Maagang pagpunta rin ang isang mabisang paraan upang iwasan ang masikip na daan at makuha ang magandang tanawin nang maaga.


    Para sa mga ayaw sa bundok, pwede rin magtamisaw sa puting buhangin ng napakagandang white sand beach. Isang perpektong lugar upang magpahinga at magrelax habang iniisip ang kahalagahan ng kalikasan.

Narito ang isang video sa taas: 








    Pagkatapos ng isang nakakapagod na pag-akyat, dumeretso na kami sa aming tutuluyan sa Geo's Resort. Ang lugar ay nagbigay sa amin ng kaginhawahan at kasiyahan pagkatapos ng isang araw na puno ng pakikipagsapalaran.       

Matatagpuan sa bayan ng Dingalan sa Aurora, ang Gio's Resort ito ay isang magandang beachfront stay na magbibigay sa iyo ng pagkakataon na makapagpahinga dahil liblib na lugar ito at walang katabing resort. Kung hindi mo pa nasusubukan ang surfing at beach glamping, ito ang tamang lugar para sa iyo! Ang lugar ay puno ng mga matataas na niyog, na nagbibigay sa iyo ng pakiramdam ng isang tunay na islang bakasyunan.



Perpekto para sa pamilya o barkada, ang Family Cabin ay isang kahoy na cabin na maaaring mag-accommodate ng hanggang anim na bisita. Bawat cabin ay may airconditioning at may kasamang mesa at upuan na eksklusibo lamang para sa iyo.

Ang rates ay nagsisimula sa P4,000 kada gabi para sa anim na tao. May karagdagang P250 bawat tao para sa mga dagdag na bisita.









Higit pa sa alon, marami pa ring ibibigay ang Gio's Resort. May maraming lugar sa bayan na pwedeng bisitahin: mula sa mga bato at talon hanggang sa iba't ibang lugar na nag-ambag sa kasaysayan ng Pilipinas. Upang mas mapadali ang iyong pagsusuri sa kalikasan, nag-aalok din ang Gio's Resort ng ATV at UTV rentals mula sa P750 kada oras para sa dalawa.






        





Sa paglalakbay, natutunan namin na ang buhay ay isang magandang pakikipagsapalaran, at ang mundo ay puno ng mga lihim na naghihintay na alamin. Hanggang sa muli, kasama ang mga alaala ng Dingalan, Aurora, at ang pangako ng mas marami pang paglalakbay na naghihintay sa hinaharap. Maraming salamat sa pagiging bahagi ng aming kwento at paglakbay. Hanggang sa susunod na paglalakbay!

 



Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Kubling Paraiso: Sual, Pangasinan

Lupa ng Kapayapaan: Luneta Park

Iloba Resort: Tabuk city, Kalinga