Biyahe sa BGC: Pagsilip sa Urbanong Kalakhang Maynila
Isinulat ni: Atea Jhoanne Abiñon
Tara! Ating lakbayin ang isa sa pinakatanyag na lugar sa Taguig City!
Sa oras ng paglapat ng aking mga talampakan sa kalsada na puno ng nakalululang estruktura ng iba't-ibang gusali, ay ang pagbungad ng pinakatanyag at kinikilalang tourist spot na kung tawagin ay Bonifacio Global City or mas kilala sa akronym na BGC sa Taguig City, Metro Manila.
Hindi ko maitatanggi na buhat sa tila makabagong mga gusali, sariwang disenyo ng lungsod, at maayos na estraktura ng pamumuhay dito, ay walang pagdadalawang isip na ito'y agad mapupukaw ang atensyon ng karamihan kasama na ng akin.
Sa bawat hakbang na aking tinatahak ay ang pagsabay ng aking ulo upang bigyang atensyon ang bawat modernong arkitektura at urbanong disenyo bumabalot sa lugar na ito. Agaw pansin din ang mga makukulay na street lights sa gabi na tiyak na magpapatigil sa iyong pagbuhat ng mga paa upang bigyang pansin ang bawat detalye ng mga ito.
At kung ating mapapansin, tiyak na ang lugar din nga na ito ay hindi mahuhuli sa pagiging isang eco-friendly at ang pagtupad nito sa pangako ng mas malusog at masustenableng komunidad para sa mga dadayong mamamayan katulad ko.
Hindi rin maikakaila na sa lawak ng espasyong sakop ng nasabing lugar, ay talagang magbibigay hapdi ito na siyang sumama sa akin sa aking paglakbay. Ngunit, sa kabila ng sakit na dulot ng bawat pagtahak ko sa iba't-ibang destinasyon sa loob nito, ay talaga nga namang nakabibigla at nakamamangha ang mga high-end shopping at dining establishments sa lingid ng kahabaan nito, lalo na sa Bonifacio High Streat at Uptown Mall na bahagi rin ng Bonifacio Globat City (BGC) na siyang magpapawi sa inyong pagod at hapdi sa bawat pagmamasid mo sa mga ito.
Ngunit huwag kalilimutan na ang lugar na ito ay isang halimbawa ng mataas na komunidad na tinutungo ng maraming dayuhan. Kaya naman, ang currency for living dito ay tiyak na mataas. Bawat halaga ng kagamitan at kainan ay siya nga namang bubutas sa kaniya-kaniyang bulsa. Kaya siguraduhing may sapat na badyet sa tuwing ito'y pupuntahan, sapagkat, karamihan nga naman ay hindi matatanggihan ang mga kaakit-akit na produktong tanyag sa lugar na ito.
Pero hindi rin naman problema kung ang inyong pakay ay ang pagpapasyal lamang. Isa sa aking maipapangako na ang lugar na ito ay talagang magpapahanga sa inyo at inyong maikukuwento sa iba't-iba ninyong kapamilya't katukayo.
Libangin ang iyong sarili, bigyang pahinga ang bagabag ng dibdib, at pagmasdan ang makaputol hiningang ganda handog ng Bonifacio Global City o BGC.
Hanggang sa ating muling paglalakbay.
Maraming salamat!
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento