Ang Lasa ng Bale Capampangan, San Fernando
Ang Lasa ng Bale Capampangan, San Fernando
ni Ysabella Celeste
Ang sarap namang balikan ang 'kay gandang lugar ng Bale Capampangan, San Fernando.
Tila hanggang ngayon ay lasap ko pa ang simoy ng hanging dala nito sa paglalakbay ng aming pamilya sa City ng Pampanga, San Fernando. Marami kaming napuntahan at napasyalan ngunit ang kainang ito ang tumatak sa akin sa lakbay na ito.
Pagkat dito ko lalong nadama ang pagsasama ng aming pamilya. Habang kami ay kumakain at nagk-kwentuhan, ramdam kong mas lumiliwanag ang pook. Nais ko itong dalawing muli dahil sa ganda ng lugar at sa sarap ng pagkain, bukod pa ron ay maayos ang serbisyo at magiliw ang mga manggagawa rito.
Hulyo 22, 2023 nang aming pinuntahan ang Pampanga City at napakaraming rason kung bakit ito sulit na lakbayin. Napakaraming destinasyon na maaaring mabigyan ng mahalagang alaala at ang pagbisita sa kainang ito ay isang magandang simula. Iyong mapapansin na marami ang dayuhan dito na sadyang naaakit sa sakdal na kagandahan ng lugar na talaga namang mapapaisip ka na balik-balikan ito sa pagdating ng panahong dapat.
At sa muli, lagi mong maaalala ang sarap ng munting pagkaing iyong natikman mula sa salo-salong iyong sinalihan ng iyong pamilya. Iyong babalik-tanawin ang tunay na ligaya mula sa mga panahong ganito, alaalang namuo sa iyong isipan at sa lugar kung saan ito naganap.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento