Norzagaray: Tanawin at Takam, Dito Ka Na!

 Norzagaray: Tanawin at Takam,   Dito Ka Na!

 Ni Adrian James Amparo 

   

Sa puso ng Bulacan, lihim na kumikislap ang bayan ng Norzagaray, isang di-matatawarang paraiso ng kagandahan at kahanga-hangang tanawin.

  Unang humagod sa Pogpog Bikers Highland, kung saan nag-aalab ang kakaibang ganda ng kalikasan. Dito, maaari kang magsanib-pwersa sa kalikasan, umupo, at magsidating ng malalim na ihip ng sariwang hangin. Naging sulit ang bawat padyak ng aming paglalakbay nang aming masilayan ang mala-paraisong tanawin na ito. Napawi ang lahat ng aming pagod pagkatapos ng lahat. 
 

  Pagkatapos ng ilang minutong pagpapadyak halina’t tayo'y tumulay sa Ipo Dam View Deck at damhin ang kakaibang ganda ng tanawin. Ang Ipo Dam, isang likas-yamang kayamanan, ay nagbibigay ng pagkakataon na maging saksi sa kasaysayan ng kalikasan. Isang pambansang yaman na kumikislap sa sikat ng araw. Dito ay mabibigyan kayo ng maraming pagkakataon na kumuha ng larawan kasama ang iyong mga kaibigan at masilayan ang mga magagandang tanawin mula sa ating kalikasan, langhapin ang sariwang hangin, magpahinga, at mag-saya. 

 Sa paglalakbay o sa paglalakad ay makakatagpo ka ng mga lugawan sa tabing kalsada na tiyak ay bubusugin ka at pasok sa iyong budget. Sa halagang sampung piso, mabubusog ka ng pagkain na nagbibigay ng kasiyahan sa kahit sino. Sagot ito sa mga taong naghahanap ng kakaibang karanasan sa murang halaga.

  Bilang huling destinasyon ay aming pinuntahan ang Matictic River, dito ay masilayan ang kakaibang linis at kagandahan ng tubig. Sa halagang 20 pesos ay masisilayan mo na ang isang ilog, kung saan ay dinadayo ng marami dahil sa malamig at malinis nitong tubig. Dito, ay maari kayong magpahinga, magliwaliw, pagmasdan ang pagsikat ng araw, magluto ng pagkain, lumangoy, at tuklasin ang init ng kultura at kasaysayan ng Norzagaray. 

Mahalagang paalala: mahalagang magdala ng pagkain dahil mahal sa karaniwang presyo ng pagkain dito. Magdala rin ng pera kung sakaling kinakailangan nyo ng kubo, ang halaga ng pag-renta dito ay
 200-400.



  Sa bawat yugto ng iyong lakbay, pangako ko sa iyo, ang Norzagaray ay hindi lamang destinasyon kundi isang paglalakbay sa kaharian ng kagandahan. Sumubok ka, at sa bawat oras ng paglipas, isang bagong alaala at pagmamahal sa bayang ito ay magiging bahagi ng iyong puso. Tara na sa Norzagaray, ang bayang hindi mo malilimutan.








Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Kubling Paraiso: Sual, Pangasinan

Lupa ng Kapayapaan: Luneta Park

Iloba Resort: Tabuk city, Kalinga