Paglalakbay sa Magandang Isla ng Pinggan, Gasan ni Liean Gee Belgar Sa malalim na asul na karagatan at mga marikit na tanawin, ang Marinduque ay hindi lamang isang perlas ng Katagalugan kundi isang lugar na puno ng lihim na naghihintay na masilayan. Isang maligayang paglalakbay sa aking naging karanasan, sa bayan ng Gasan, matatagpuan sa Isla ng Pinggan. Ang Isla ng Pinggan ay tila natatagong hiyas dahil sa malinis nitong karagatan. Sa pagsusuri ng kanyang dalampasigan, madarama mo ang mainit na pagtanggap ng lokal na komunidad, handang ibahagi ang kanilang kwento at yaman. Subalit, ang yaman ng Isla ng Pinggan ay hindi lamang limitado sa kanyang magandang tanawin. Kapansin-pansin ang pagsasalaysay ng kasaysayan sa kalye, mga bahay na may kahoy na pintuan, at mga kuwento ng mga nagdaang henerasyon. Mula sa Isla ng Pinggan, tatahakin mo ang mapanghamong pag-akyat patungo sa Gasan, kung saan humaharap ang grandiyosong simbahan. Sa pag-aakyat at paghakbang sa h